Tinututukan ng Alcala Public Employment Service Office (PESO) ang repatriation mula Ukraine ng OFW na si Raymon Gumangan, residente ng bayan, na kasalukuyang nasa kustodiya ng Ukrainian forces.
Sa naging pagbisita ni Department of Migrant Workers-Regional Office I Director Christian Sison, tiniyak nito sa pamilya ni Gumangan na patuloy ang koordinasyon sa kaukulang ahensya upang mabigyan ng legal aid ang kanilang kaanak at mapabilis ang kanyang pagbabalik sa bansa.
Ayon sa ulat, na-recruit umano online si Gumangan para sa sinasabing lehitimong trabaho sa Russia na may pangakong mataas na kita.
Gayunman, napaulat na nauwi ito sa paglahok sa combat operations sa Ukraine kung saan siya kalaunan ay nahuli.
Samantala, kasabay ng pagbisita ng opisyal, ang pagpupulong upang palakasin ang kampanya laban sa illegal recruitment at human trafficking sa bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










