Legal na pagmamay-ari ng Pilipinas sa Benham Rise, iginiit

Manila, Philippines – Iginiit ni dating National Security Adviser Roilo Golez na Pilipinas ang legal na nagmamay-ari sa Benham Rise kasunod ito ng namataan na survey ship ng China sa nasabing karagatan.

 

Sa interview ng RMN kay Golez, sinabi nito na noong naghain ang Pilipinas ng claim sa Benham Rise ay ibinigay ito satin ng United Nations noong 2012.

 

Ayon kay Golez, napakalawak ng Benham Rise na may 13 million hectares at kung iisipin aniya, napakaraming kayamanan na makikita at makukuha dito.

 

Naniniwala si Golez na hindi maganda ang tangka ng China sa ginawa nitong pagmamatsyag.

 

Aniya pwede ring nagsagawa ng seismic survey ang China kung saan maari nitong makita ang pusod o kailaliman ng dagat.

 

Dahil dito, iginiit ni Golez na huwag dapat pumayag ang Pilipinas na bigyan ng puwang ang ibang tao na makapasok sa karagatang ito dahil walang counterclaim dito at solong-solo natin.

 

Kung titingnan din ang geography, wala tayong kapitbahay sa Benham Rise dahil nasa norte ito at napakalayo ng Japan gayundin ang Guam.

 

Aniya ‘yong South China Sea, puwede nilang sabihin na istambayan nila noong una, pero sa Benham Rise, tumawid pa sila ng Luzon.

Facebook Comments