Legalidad ng pagdeklara ng batas militar sa Mindanao, pinagtibay ng Korte Suprema

Manila, Philippines – Pinaboran ng Korte Suprema ang deklarasyon ng martial law sa Mindanao.

Sa desisyon na binasa ni Supreme Court Spokesman Atty. Theodore Te, labing isang mahistrado ang bumoto na ibasura ang petisyon habang tatlo ang bumoto na partially i-grant ang petisyon at isang mahistrado naman ang bumoto pabor sa petisyon kontra martial law.

Matatandaang tatlong petisyon laban sa deklarasyon ng batas militar sa Mindanao ang inihain sa Korte Suprema.


Pinipilit kasi ng mga petitioner na walang factual bases si Pangulong Rodrigo Duterte para magdeklara ng batas militar.

Sa ilalim ng Saligang Batas – pinapayagan ang pagdedeklara ng martial law sa panahon ng pananakop o rebelyon.

Facebook Comments