Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines na balik na sa normal ang Virac Flight Service Station (FSS) operations.
Nangangahulugan ito na balik na sa normal ang biyahe ng eroplano sa Virac, Catanduanes.
Kinumpirma naman ng CAAP na matinding napinsala ng bagyong Tisoy ang Legazpi Airport passenger terminal building (PTB) sa Albay.
Sinuspinde naman ang operasyon ng Busuanga Airport at ng Tower doon dahil sa malakas na hangin at ulan.
Ang Marinduque Airport ay nagtamo naman ng partial damages at napinsala ang window panels ng kisame ng airport passenger terminal building, check-in counter, at guardhouse.
Wala namang naitalang pinsala ang CAAP sa mga paliparan ng Jomalig, Mamburao, Marinduque, San Jose, Pinamalayan, Wasig, Romblon, Plaridel, Iba, Baler, Alabat, Calapan, at Lubaang.
Ayon sa CAAP, normal na rin ang operasyon sa Calbayog Airport at nakapaglanding na doon ang eroplano ng Cebgo mula sa Cebu.
Patuloy naman ang ginagawang inspection ng CAAP sa structural integrity ng mga pasilidad sa mga napinsalang paliparan.