Manila, Philippines – Isinusulong ni Majority Floor Leader Rodolfo Fariñas ang pagbuo ng Philippine Legislative Police (PLP) sa Kamara.
Layunin ng house bill no. 6208 na matiyak na ligtas ang mga mambabatas at ma-enforce ang subpoena powers ng kongreso.
Ayon kay Fariñas, nakadepende lang ang Kongreso sa law enforcement agencies sa ilalim ng executive branch ng gobyerno.
Giit ni Fariñas, walang sapat na manpower at kakayanan ang Kongreso para matiyak ang seguridad ng mga legislators at pagkonsulta ng constituents sa labas ng kanilang mga tanggapan.
Nakasaad din dito, na hindi lamang ang mga kongresista kundi maging ang kanilang mga pamilya at iba pang kamag-anak hanggang sa 2nd degree ng consanguinity.
Magsisilbi rin ng subpoenas at warrants ang legislative police ng inisyu ng Kongreso at pamumunuan sila ng PLP board at ng isang retiradong sundalo o police general na itatalaga ng speaker at Senate President.