Dinalaw ni Vice President Leni Robredo ang mga mangingisda ng F/B Gem-Ver 1 nitong Biyernes ng umaga.
Binigyan niya ng P50,000 kada mangingisda sa pamamagitan ng kaniyang Angat Buhay program.
Una niyang binisita ang bahay ng may-ari ng F/B Gem-Ver 1 na si Arlene dela Torre sa Barangay San Roque sa Occidental Mindoro.
Ang F/B Gem-Ver 1 ay lumubog dahil umano binangga ng isang Chinese vessel sa Recto Bank malapit sa Palawan nitong Hunyo 9.
Ayon sa 22 na mangingisda na sakay nito, nasa dagat sila sa loob ng anim na oras ngunit sinagip sila ng isang Vietnamese boat.
Pinahayag naman ni Dela Torre na kinausap ni Robredo ang iba pang crew ng F/B Gem-Ver 1 na walang pulis o media.
Hindi idinetalye ni Dela Torre ang napag-usapan ngunit naging komportable naman ang captain ng bangka na si Isigne habang nag-uusap ito.
Dagdag pa ni Dela Torre, walang sinabi ang Bise Presidente at nakinig lamang sa kwento ng mga mangingisda.