LGU Angadanan, Isabela, Pinarangalan ng DILG!

*Cauayan City, Isabela-* Pinarangalan ni DILG Sec. Eduardo Año ang Local Government Unit (LGU) Angadanan, Isabela ng 2019 National Anti-Drugs Abuse Council (ADAC) performance award.

Personal na inabot ni DILG Sec. Año ang prestihiyosong parangal kay Mayor Joelle Mathea Panganiban kasama si Liga ng mga Barangay President Reynaldo Panganiban at ilang opisyal ng nasabing bayan sa isang seremonya sa Metro Manila.

Ito ay bilang pagtalima sa kampanya kontra sa iligal na droga ng pamahalaan kung saan ay naideklara na bilang drug cleared municipality ng PDEA RO2 ang bayan ng Angadanan.


Batay sa ebalwasyon ng DILG ay 100 porsyento ang nakuha ng LGU Angadanan matapos maabot ang ilan sa mga standards ng DILG.

Ang bayan ng Angadanan ay binubuo ng 59 na mga barangay kung saan ay nakapagtapos na sa Community Based Rehabilitation Program (CBRP) ang nasa 200 ‘tokhang responders’ ng naturang bayan.

Facebook Comments