LGU Benito Soliven, Nakakuha ng 98% score sa Road Clearing

Cauayan City, Isabela- Nagkamit ng mataas na grado ang bayan ng Benito Soliven sa Isabela matapos ang ginawang Road Clearing Operation at nabigyan ng 98.96% score ng Department of Interior and Local Government (DILG) Provincial Validators.

Sa panayam ng iFM Cauayan kay Mayor Roberto Lungan, nagbunga rin ang matagal na nitong paalala sa kanyang mga nasasakupan para sa mas maayos at maluwag na kalsada.

Malaki naman ang kanyang pasasalamat sa kapulisan na pinangunahan ni PMAJ. Krismar Angelo Casilana, hepe ng PNP Benito Soliven sa pagtitiyak na maisasakatuparan ang maayos na road clearing operations gayundin sa mga kasapi ng Public Order and Safety Division.


Sa kabila nito, humingi ng paumanhin ang alkalde sa mga kababayan nitong naapektuhan ng isinagawang operasyon partikular ang ilang bahagi ng istraktura ng mga negosyante na tinanggal upang mapaluwag ang lansangan.

Pagtitiyak ngayon ng opisyal na mahigpit niya itong pababantayan upang manatiling maluwag ang lansangan at maiwasan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko.

Facebook Comments