Inaalay ni Buldon Mayor Abolais Manalao ang parangal mula Department of Interior and Local Government sa lahat ng kanyang mga kababayan.
Ang “Pagkilala sa Katapatan at Kahusayan sa Pamahalaang Local” o a Seal of Good Local Governance SGLG Award ay bunga rin aniya ng mga pagsisikap at mga inisyatiba ng lahat ng kanyang mga kasamahan sa LGU lalo na ng mga masisispag nitong mga kawani.
Nagpapasalamat si Mayor Manalao na sa loob ng tatlong magkakasunod na taon, kabilang ang Buldon sa iilang LGU mula sa buong bansa na nakakamit ng SGLG.
Bagaman maituturing ng Hall of Famer na sa SGLG, patuloy paring hinihimok ni Mayor Manalao ang lahat ng mga taga LGU na ipagpatuloy ang mga nasimulang serbisyo sa tao.
Kabilang sa mga iniimplementang programa ng LGU ay ang BIDA program o ang Buldon Integrated Development Activities o ang pagbaba sa mga barangay ng mga serbisyo mula Munisipyo na kinabibilangan ng pagbibigay ng medical outreach program, feeding program kasabay rin ng pagsasagawa sa Municipal Peace and Order Council Meeting.
Matatandaang ang LGU Buldon din ang nagsimula sa inisyatibang Balik Baril Program katuwang ang 6th ID na nagresulta ng pagiging Rido Cleared ng buong bayan.