LGU Cauayan, Maghihigpit sa Galaw at Pagbebenta ng Baboy

Cauayan City, Isabela- Muling magpapatupad ng paghihigpit ang Lungsod ng Cauayan sa paggalaw at pagbebenta ng baboy maging ang iba pang mga produkto nito.

Sa inilabas na Executive Order no.44 – 2020 na pinirmahan ni City Mayor Bernard Dy, hihigpitan muli ang pagbebenta at pagpasok ng baboy o anumang pork products sa Lungsod upang maiwasan pa rin ang pagkalat ng African Swine Fever (ASF) sa mga alagang baboy.

Muling inalerto ang mga nagbabantay sa ASF checkpoints upang matiyak na dumaan sa tamang proseso at ligtas sa ASF ang mga pumapasok na baboy na ibinebenta sa Lungsod.


Bagamat nagbigay na noon ng kasiguraduhan ang Department of Agriculture (DA) na ligtas na o wala ng banta ng ASF sa rehiyon dos ngunit para makasiguro umano na hindi na muling mabuhay ang naturang sakit ng baboy ay babantayan pa rin ang mga iba-byaheng mga karne ng baboy na ibebenta sa palengke.

Facebook Comments