*Cauayan City, Isabela*-Mahigpit na ang isinasagawang paghahanda ng City Disaster Risk Reduction Management Office sa Lungsod ng Cauayan dahil target ng nasabing tanggapan ang ‘Zero Casualty’ ngayong papalapit ang bagyong Ramon na inaasahang maglalandfall sa Aurora-Isabela Area sa darating na Sabado (Nov.16, 2019) batay sa talaan ng PAGASA.
Ayon sa CDRRMO, babantayan nila ang may kabuuan sa 31 na barangay sa lungsod na itinuturing na high-risk kapag nararanasan ang pagtama ng bagyo na kinabibilangan ng Brgy. Alicaocao, Nungnungan 2, Tagaran, District 3, Bugallon, Carabbatan,Catalina, Mabantad, Nagcampegan at iba pang barangay sa Tanap Region.
Mahigpit naman ang koordinasyon ng lokal na pamahalaan ng Cauayan sa mga barangay sa West Tabacal, Tanap at Forest Region dahil batay sa kanilang inisyal na assessment ay may mga pamilya o indibidwal ang pahirapan pang lumikas dahil sa ayaw nilang maiwan ang kanilang lugar.
Handang-handa naman ang LGU at iba pag ahensya ng gobyerno gaya ng DSWD, PNP, Rescue 922, BFP at Disaster Response Team sa pagbibigay ng tulong maging sa mga relief goods sakaling manalasa ang ‘Bagyong Ramon’.