2 Abandonadong Motorsiklo sa isang Hotel, Narekober ng Pulisya!

222

Cauayan City, Isabela- Dalawang (2) motorsiklo ang narekober ng pulisya na inabandona sa isang hotel sa brgy. Villasis, Maharlika Highway, Santiago City.

Ipinaalam sa himpilan ng pulisya ni Decemae Uminga, 21-anyos, dalaga, secretary ng hotel at residente ng Barangay Mabini, Santiago City.


Agad na tinungo ng mga tauhan ni P/Maj.Reynaldo Maggay, hepe ng presinto uno ng SCPO ang dalawang inabandonang motorsiklo sa naturang lugar.

Narekober ng mga otoridad ang kulay itim na Euro Sport na walang plaka na tinatayang tatlong linggo nang iniwan.

Habang ang isang Honda XRM 110 na may plakang KR 8350 ay mag-tatlong buwan na rin umanong hindi ginagalaw o inabandona rin sa parking area ng hotel.

Ang dalawang motorsiklo ay pansamantalang nasa pangangalaga ng pulisya para sa beripikasyon ng Land Transportation Office (LTO) at Highway Patrol Group (HPG).

Facebook Comments

From Advertisers