Cauayan City, Isabela- Kasalukuyan na ang ginagawang negosasyon ng lokal na pamahalaan ng Ilagan para sa pagbili ng COVID-19 vaccine para sa mga Ilagueños.
Ayon kay City Mayor Josemarie Diaz, maglalaan ng 50,000 hanggang 70,000 doses ng bakuna para sa mga frontliners at most vulnerable sectors.
Aniya, nagkakahalaga ito ng P50 million na bahagi ng istratehiya sa paglaban kontra COVID-19.
Una nang nagpahayag ng saloobin si Diaz sa kanyang mga kababayan dahil sa tila hindi pagsunod ng mga ito sa ipinapatupad na health protocol na dahilan ng pagtaas ng kaso ng tinatamaan ng virus sa lungsod.
Samantala, nangunguna sa may mataas na bilang ng active cases ang para sa Community Transmission ang lungsod na inaasahang matatapos ang containment sa Pebrero 12 kung hindi na madagdagan pa ang naitatalang kaso.
Sa ngayon ay mayroon ng 142 na aktibong kaso ang siyudad batay sa pinakahuling datos ng City Health Office.
LGU Ilagan, Maglalaan ng P50 milyon sa Pagbili ng COVID-19 vaccine
Facebook Comments