LGU ILAGAN, TINIYAK ANG BUONG SUPORTA SA ISABELA POLICE PROVINCIAL OFFICE

Tiniyak ng Lokal na Pamahalaan ng lungsod ng Ilagan na patuloy ang ibibigay nitong pagsuporta sa hanay ng Isabela Police Provincial Office (IPPO).

Ito ay ayon sa ipinahatid na mensahe ni Ilagan City Mayor Josemarie ‘Jay’ Diaz kay Hon. Jayve Diaz, City Councilor ng magsilbi ito bilang Panauhing Pandangal sa katatapos na IPPO Boot Camp nitong Biyernes, ika-30 ng Setyembre taong kasalukuyan.

Samantala, dumalo sa nabanggit na aktibidad ang mga miyembro ng Advisory Council ng IPPO mula sa iba’t ibang sektor kabilang ang LGU, Media, at Religious group.

Layunin nito na patatagin ang samahan ng kapulisan sa komunidad at tinalakay din ang programa ng PNP na P.A.T.R.O.L Plan 2030 para sa transpormasyon ng hanay ng pulis tungo sa lalo pa nitong ikauunlad.

Facebook Comments