Bilang hakbang sa pagpapanatili ng kaligtasan sa San Fabian Beach ngayong Semana Santa, nagpatupad ang lokal na pamahalaan ng pinaikling oras sa pagligo sa sakop na baybayin.
Simula bukas ,April 17 hanggang April 20, ipagbabawal ang pagligo simula 6PM hanggang 6AM partikular sa mga bata na walang kasamang bantay.
Tututukan din ang pagpapanatili sa kalinisan ng San Fabian Beach kasunod ng pagbabawal ng pagtatapon ng basura sa tubig, maging ang pag-inom ng alak at pagdadala ng armas sa lugar.
Bubuksan din ng tanggapan ang public auditorium at sports and civic center bilang designated parking zone ng mga beachgoers upang maiwasan ang kumpolan sa mga coastal barangay partikular sa Nibaliw Vidal, Nibaliw Magliba at Nibaliw Narvarte.
Mahigpit na babantayan ng PNP Maritime Group at Philippine Coastguard ang naturang kautusan para sa kaligtasan ng mga beachgoers ngayong long weekend. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨