Cauayan City, Isabela- Aprubado na sa konseho ng Tuguegarao City ang ordinansang magtatakda sa mga negosyante sa mga pampublikong pamilihan na maglagay ng ‘PRICE TAG’ sa kanilang mga panindang produkto.
Nakapaloob sa City Ordinance No. 05-08-2021 na ang sinumang lalabag sa nasabing ordinansa ay papatawan ng kaukulang multa o parusa na posibleng umabot sa pagbawi ng business permit at license.
Ayon kay Vice Mayor Bienvenido De Guzman, hindi malalaman ng isang mamimili ang kanilang karapatang bumili ng pinakamurang produkto kung walang nakalagay na presyo.
Pagmumultahin naman ng P1,000 para sa first offense; P2,000 para sa second offense at 15-day day suspension ng operasyon sa negosyo at 5,000 para sa third offense at 1-month suspension para sa business operation.
Kaugnay nito, magsasagawa naman ang Tuguegarao City Price Coordinating Council ng mahipit na monitoring ukol sa implementasyon ng nasabing ordinansa.