Nais makipag-partner ng mga Local Government Units (LGU) sa national government para sa pagbili ng bakuna gamit ang sarili nilang pondo.
Nabatid na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang proposal para sa mga LGUs na pumasok sa tripartite agreements para sa pagbili ng COVID-19 vaccines.
Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., dumarami na ang mga LGUs mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang nakikipag-ugnayan para dito.
Ang kolaborasyong ito ay resulta ng kanilang panawagan para sa whole-of-government, whole-of-society approach laban sa COVID-19.
Ang mga kasunduang ito ay mabibigay sa national government na ilaan ang kinakailangang resources para sa mga LGUs na hindi sapat ang pondo para makabili ng bakuna.
Ang mga LGUs ay bahagi ng pagpapatupad ng Philippine National Vaccine Roadmap.