Manila, Philippines – Ipinagtanggol ni Liberal Party Interim President Sen. Kiko Pangilinan ang media mula sa batikos ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Giit ng Senador, dapat ay huwag masamain ng pangulo ang kritisismo ng media dahil bahagi ng demokrasya ang malayang pamamahayag.
Bahagi rin aniya ng trabaho ng media ang pagpuna at paminsan-minsa’y negatibong laman ng balita laban sa mga politiko.
Aniya, marami nang lider ng bansa ang dumating at nawala sa puwesto pero nananatili ang media para ipakita ang iba’t ibang sitwasyon sa ating lipunan.
Matatandaang sa mga nagdaang talumpati ng pangulo, isang tv network at isang kumpanya ng print media ang nakatikim ng maaanghang na batikos ni Duterte dahil sa aniya’y pagbanat sa administrasyon.
Facebook Comments