Humigit kumulang 900 mga pamilya ang nagsilikas mula sa 5 mga barangay sa bayan ng Sharif Aguak sa Maguindanao dahil sa sagupaan ng militar at ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa mga kalapit na bayan.
Ayon kay Anwar Emblawa, Information Officer at executive secretary ng Shariff Aguak, ang mga bakwit ay mula sa barangay Malingaw, Bialong, Kuloy , Lapok at Pina.
Ngayong araw ang iba-validate ng lokal na pamahalaan ng Shariff Aguak ang eksaktong bilang ng mga Internaly Displaced Persons (IDPs).
Sinabi pa ni EMBLAWA na ang sagupaan ng militar at ng BIFF ay sa mga kalapit na bayan ng Shariff Aguak subalit sa takot na madamay ay lumikas pa rin ang mga residente sa 5 mga barangay ng Shariff Aguak.
Nagsimula anyang dumagsa ang mga bakwit kamakalawa at ngayong ay pansamantalang sumisilong sa isang lugar sa Barangay Kuloy .
Tiniyak naman ni Emblawa na tutugunan ng lokal na pamahalaan ng Sharif Aguak ang mga agarang pangangailangan ng mga na-displace na pamilya.(Daisy Mangod)
1st Mech File Pic
Libong indibidwal apektado sa nagpapatuloy na operasyon ng militar kontra BIFF
Facebook Comments