Tuesday, November 10, 2026

SAN CARLOS CITY, NAKIISA SA KAMPANYA PARA SA LIGTAS CHRISTMAS 2026

Nakiisa ang Pamahalaang Lungsod ng San Carlos, sa pamamagitan ng City Health Office, sa kampanya ng Department of Health – Ilocos Center for Health Development para sa ligtas at malusog na pagdiriwang ng Pasko ngayong 2026.

Nagsagawa ng Community Listening Activity kasama ang mga mag-aaral ng Speaker Eugenio Perez National Agricultural School noong November 7, 2026 upang pakinggan ang kanilang mga pananaw at mungkahi tungkol sa kaligtasan sa kalsada, masustansiyang pagkain at pag-iwas sa mga pinsalang dulot ng paputok.

Bahagi ito ng programang Consultative Major Health Event na may temang Ligtas Christmas 2026.

Layunin ng aktibidad na palakasin ang pakikilahok ng kabataan at komunidad sa pagsusulong ng ligtas, malusog atmakabuluhang pagdiriwang ng Kapaskuhan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments