Libreng bahay at trabaho mula sa gobyerno, iginiit ng Kadamay

Manila, Philippines – 5,262 housing units ng gobyero ang inokupa ng mga miyembro ng grupong Kadamay sa Pandi, Bulacan na nakalaan para sa mga sundalo at pulis.

Ayon kay Kadamay National Chairperson Gloria Arellano, tama lang ang kanilang ginawa dahil dapat lang na pagkalooban ng pamahalaan ng libreng pabahay at regular na trabaho na sapat ang sweldo ang mga mahihirap.

Ito ang iginiit ni Arellano sa kanyang pagharap sa pagdinig ng committee on urban planning, housing and resettlement na pinamumunuan ni Senator JV Ejercito.


Katwiran ni Arellano, makatwirang okupahan nilang mga mahihirap ang mga pabahay na itinayo ng National Housing Authority o NHA sa halip na pabayaan itong nakatiwangwang at nasisira lang.
Nation

Facebook Comments