Libreng Check-up at ‘Tuli’ para sa mga CAFGU members, Isinagawa ng 77th IB!

*Cabagan, Isabela- *Matagumpay na isinagawa kahapon ng 77th Infantry Battalion ang libreng medical check up at iba pang serbisyo para sa mga CAFGU Members at kaanak maging ang ilang residente na nais makibahagi sa kanilang aktibidad na ginanap sa Bgry Masipi, Cabagan, Isabela.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Lt. Col. Rembert Baylosis, Commanding Officer ng 77th Infantry Battalion, quarterly ang kanilang pagsasagawa ng naturang aktibidad para sa lahat ng mga miyembro ng 77th IB.

Aniya, nagkaroon sila ng libreng serbisyo gaya ng medical check up, libreng gamot, libreng tuli at libreng gupit para sa mga CAFGU members at sa kanilang mga dependent members.


Dagdag pa ni Lt. Col Baylosis na nasa tatlong mga karatig barangay ng Masipi ang maaaring makibahagi sa kanilang simultaneous na aktibidad.

Malaki naman ang pasalamat ng naturang opisyal dahil sa tulong at suporta ng LGU Cabagan upang maisagawa ang kanilang serbisyo.

Facebook Comments