Bilang paggunita sa selebrasyon ng World Hearing Day ngayong buwan ng Marso, isa sa aktibidad na inilunsad ng awtoridad ang libreng check-up sa mga tenga ng mga bata sa Minien-Tebag Elementary School sa bayan ng Sta. Barbara.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng Region 1 Medical Center-Department of Otorhinolaryngology & Head and Neck Surgery kung saan bukod sa libreng check-up ay nagsagawa din grupo ng R1MC Ear, Nose, and Throat health program team ng lecture sa information-education campaign sa mga mag-aaral at matatanda mula sa komunidad.
Parte din sa programang ito ang Pangasinan Medical Society, Philippine Society of Otolaryngology-Head and Neck Surgery North Luzon Chapter, at R1MC Gender and Development-Hospital Center for Wellness Program.
Nagpapasalamat naman ang mga nabigyan ng serbisyo publikong ito dahil mayroong ganitong aktibidad para sa mga batang mag-aaral. |ifmnews
Facebook Comments