TEN MILLION PESOS; HALAGA NG PANUKALANG HOG-RAISING PROJECT NG DA REGION 1

Nagkakahalagang sampung milyong piso o P10,000,000 ang Hog-Raising Project na panukala ng Department of Agriculture Region 1.
Sa pamamagitan ng Livestock Banner Program ng naturang ahensya ay nagsagawa ito ng oryentasyon ukol sa Community-Based Swine Production through Clustering and Consolidation Project sa Mayor’s Conference Room sa bayan ng Bayambang.
Ang proyektong ito ng Department of Agriculture Region 1 ay may layunin na lalo pa umanong mapalawig ang produksyon ng baboy sa merkado.

Samantala, kasama sa pagsasagawa ng briefing ukol sa proyektong ito ang Municipal Administrator, Municipal Agriculture Office, Bayambang Poverty Reduction Action Team, at Kasama Kita sa Barangay Foundation. |ifmnews
Facebook Comments