Libreng data access, pakikinabangan na ng mga estudyante at guro ayon sa CHED

54
Courtesy: via Commission on Higher Education FB

Magkakaroon na ng libreng data access ang mga studyante at faculty members.

Ayon kay Commission on Higher Education (CHED) Chairman Prospero De Vera III, mapapakinabangan na ang ‘PHL CHED CONNECT’ sa tulong ng ilang Telco at international at local education and institutional partners na nagbigay ng kanilang online resources.

Dahil sa inisyatibo, mas maraming mag-aaral at guro ang makaka- access sa educational materials online ng libre anumang oras at kahit saan lugar.

Ang platform ay accessible sa pamamagitan ng phlconnect.ched.gov.ph kung saan magkakaroon ng 24/7 access ang mga mag-aaral sa educational materials gamit ang iba’t ibang devices.

Facebook Comments