LIBRENG DELAYED REGISTRATION OF BIRTH, HANDOG NG PSA SA MGA BAYAMBANGEÑOS

Sa pinagsamang proyekto ng Philippine Statistics Office at Local Civil Registry ng bayan ng Bayambang, libreng naserbisyuhan ang ilang BayambangeƱos na delayed o hindi pa nakakapagparehistro ng kanilang kapanganakan.
Nagkaroon ng Mobile Free Assistance kamakailan sa barangay Tambac, Zone IV, barangay Malimpec, Barangay Bongato East at Barangay Sanlibo kung saan matagumpay na nakapagpa rehistro ang ilang residente maging ang kanilang pamilya.
Ang Mobile Assistance Program na ito ay tinawag na Philsys Birth Registration Assistance Program na naglalayong mailapit ang serbisyo sa mga residente sa kanilang komunidad. Ito ay upang hindi na sila mahirapan pang magtungo sa tanggapan ng naaabing ahensya. |ifmnews

Facebook Comments