PCG, mas pinaigting ang paghahanap sa nawawalang motorbanca nang manalasa ang Bagyong Aghon sa Quezon Province

Mas pinaigting na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang ginagawang search and rescue operation sa nawawalang motorbanca na Mike Denmark na may sakay na tatlong katao nitong Lunes habang kasagsagan ng Bagyong Aghon sa Quezon Province.

Ayon sa PCG District Southern Tagalog, huling nakita ang naturang motorbanca sa karagatan ng Barangay Calutcot, bayan ng Burdeos, Quezon Province nang sandaling magkubli dahil sa sama ng panahon.

Sa kasalukuyan ay double time na ang paghahanap na ginagawa ng PCG kasama ang Municipal Disaster Risk Reduction, Management Office, local police, at Bureau of Fire Protection ng Burdeos.


Nakipag-ugnayan na rin ang PCG Northern Quezon sa mga kalapit na substation nito at iba pang mga awtoridad sa paghahanap ng nasabing motorbanca.

Facebook Comments