LIBRENG FLU AT PNEUMONIA VACCINE, ARANGKADA SA BANI

Inanunsyo ng lokal na pamahalaan ng Bani ang pagsisimula ng libreng flu at pneumonia vaccination program para sa ilang residente bilang tugon sa banta ng pabago-bagong klima.

Ayon sa Municipal Health Office, prayoridad sa flu vaccination ang mga senior citizen edad 60 pataas, healthcare workers, mga may medikal na kondisyon, frontliners, at buntis na may pahintulot ng kanilang doktor. Samantala, ang pneumonia vaccine ay unang ipapamahagi sa mga edad 60 pataas.

Layunin ng programang ito na maprotektahan ang mga residente laban sa mga sakit tulad ng ubo at sipon, na karaniwang mabilis kumalat sa pamamagitan ng pagbahing o pag-ubo.

Pinaalalahanan din ng mga awtoridad ang publiko na sundin ang wastong gawi sa kalusugan tulad ng pagtatakip ng bibig tuwing babahing, pag-inom ng bitamina, at pagpapabakuna upang mapalakas ang resistensya laban sa iba’t ibang karamdaman. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments