LIBRENG LATE BIRTY REGISTRATION,ISINAGAWA SA DAGUPAN CITY

Isinagawa noong Nobyembre 5 ang programang “Lehitimo Ako, Batang Dagupeño Project” sa West Central Elementary School sa Dagupan City bilang bahagi ng pagdiriwang ng Children’s Month.

Pinangunahan ang aktibidad ng City Civil Registry Office sa pamumuno ni Atty. Cris Estrada, katuwang ang Philippine Statistics Authority o PSA at Dagupan City Teen Center sa pangunguna ni Geraldine Custodio.

Layunin ng programa na magkaloob ng libreng late birth registration, partikular sa mga pamilyang indigent, upang matiyak na bawat bata ay magkakaroon ng legal na pagkakakilanlan.

Nagsagawa rin ng information dissemination drive hinggil sa correction of clerical errors, legitimation, at iba pang usaping may kaugnayan sa civil registration.

Sa pamamagitan ng programang ito, layunin ng lokal na pamahalaan na mailapit ang mga serbisyong pangrehistro sa mga mamamayan at matiyak na walang batang Dagupeño ang maiiwan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments