34 BARANGAY SA WALONG BAYAN SA PANGASINAN, SINURI ANG IMPLEMENTASYON NG PEACE AND DEVELOPMENT PROGRAM NG DILG

Sinuri ng Department of the Interior and Local Government o DILG Pangasinan ang implementasyon ng Retooled Community Support Program o RCSP sa 34 na target barangay sa walong bayan sa lalawigan.

Ito ay matapos ang post-evaluation activity noong Nobyembre 4 sa Lingayen, kung saan lumahok ang mga kinatawan mula sa mga bayan ng Aguilar, Balungao, Dasol, Infanta, Mabini, Natividad, San Quintin at Umingan.

Ayon sa DILG Pangasinan, sinuri sa aktibidad ang mga naging problema, kakulangan at hamon sa pagpapatupad ng programa.

Nagbahagi naman ng pangangailangan na karagdagang aksyon ang mga kalahok para maisulong ang kaunlaran sa mga target na komunidad.

Pinagsama-sama ang mga resulta ng pagsusuri at nakabuo ng mga rekomendasyon at action plan katuwang ang pamahalaang panlalawigan, mga lokal na pamahalaan, national government agencies at civil society organizations. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments