Manila, Philippines – Bilang pilot phase ng iDOLE e-Services para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs), inanunsyon ngayon ng Department of Labor and Employment (DOLE) na available na ang iDOLE ID para sa mga OFWs na nagbabakasyon ngayon sa bansa o kung tawagin ay Balik-Manggagawa.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ang mga OFWs na nasa bansa ngayon ang mga unang mabibigyan ng limited iDOLE card, bago ang full implementation iDOLE e-Services.
Libre itong makukuha ng mga balik-manggagawa, basta’t mag-register lamang sa kanilang online account sa iDOLE.ph.
Ang iDOLE ID na ito ay mag-e-exempt sa mga OFWs mula sa pagbabayad ng travel tax at terminal fee. Habang malaking tulong naman ang iDOLE e-Services upang hindi na pumila ang mga OFWs tuwing maglalakad ng mga papeles dahil maaari na silang magtransaksyon online.
Sa kasalukuyan, pinaplanstya pa ang iDOLE e-Services System katuwang ang DFA, POEA, BI at iba pang opisina na may kinalaman sa employment services.