
Isinulong ni Parañaque 2nd District Representative Brian Raymund Yamsuan ang pagpapatupad ng lilbreng online-based counseling program sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa.
Ito ang nakikitang paraan ni Yamsuan para mapakalakas ang serbisyo at suporta kaugnay sa anti-bullying at mental health ng mga estudyante.
Ang panukalang tele-counseling program ni Yamsuan ay nakapaloob sa inihain niyang House Bill 5240 na layuning mapalawak ang saklaw ng ipinapatupad na school-based mental health support and child protection initiative ng Department of Education (DepEd).
Sa ilalim nito ay kukunin ang serbisyo ng guidance counselors at lisensyadong mental heath professionals para sa tele-consultation services sa mga mag-aaral.
Ang panukala ni Yamsuan ay tugon sa kakulangan ng mga kawani na nakatutok sa mental health issues ng mga kabataan na dapat sana ay present sa mga eskuwelahan para sa counseling at iba pang interventions.










