Manila, Philippines – Iginiit ni House Committee on Housing and Urban Development Chairman Alfredo Benitez na hindi kaya ng pamahalaan na magbigay palagi ng libreng pabahay katulad ng nangyari sa KADAMAY.
Hindi aniya magiging tama ang housing program ng administrasyon kung palagi na lamang walang babayaran.
Paliwanag ni Benitez na sa kasalukuyan ay masyadong mahal ang lupa at mga materyales para sa konstruksyon ng housing units, kaya kung gagawing libre ang pabahay ay posibleng hindi magtagal ang proyekto.
Nilinaw naman ng kongresista na maaari namang magkaroon ng pribilehiyo ang mga Pilipino, lalo na ang mga mahihirap, para sa abot-kayang pabahay.
Hinimok naman ng kongresista ang mga mahihirap partikular ang KADAMAY na paghirapan ang pagkakaroon ng bahay at huwag na basta mang-agaw dahil ang nawawalan ng units ay mga totoong may karapatan na indibidwal gaya ng mga uniformed personnel.
Nation