Banat ni Agriculture Secretary Piñol sa Communications Group ng Malacañang, hindi pinepersonal ni Spokesman Abella

27

Manila, Philippines – Dedma lang si Presidential Spokesman Ernesto Abella sa banat ni Agriculture Secretary Manny Piñol sa Communications Group ng Malacañang.

Matatandaan na sinabi ni Piñol na mahina ang communications group ng Malacañang at mabagal ang paglalabas nito ng mga balita na may kaugnayan kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Abella, wala siyang nakikitang personal na atake sa naging pahayag ni Piñol at hindi niya nakikitang pangingialam ang ginagawa nito sa mga istratehiya ng Presidential Communications Group.

Binigyang diin ni Abella na ginagawa ng Communications Group ang sa tingin nilang tama at nararapat para maihatid ang mensahe ng Pangulo sa publiko.

Matatandaan na ngayon ay nakatutok si Presidential Communications Secretary Martin Andanar sa Administrative functions ng PCO habang si Abella naman ang humahawak sa Content and Messaging ng Malacañang na siyang namamahala sa lahat ng lumalabas na impormasyon o mensahe mula kay Pangulong Duterte.
Nation

Facebook Comments