LIBRENG PAG-AARAL | CHED, hinikayat na magkaroon ng information drive tungkol sa free college education

Manila, Philippines – Hinimok ni House Committee on Appropriations Chairman Karlo Nograles ang Commission on Higher Education na magkaroon ng information drive tungkol sa RA 1093 o ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act.

Ayon kay Nograles, ito ay para matiyak na lahat ng mga gustong makapag-kolehiyo kahit ang mga nasa malalayong probinsya ay mabibigyan ng pagkatataon na makapag-aral ng libre.

Tiyak umano ang implementasyon ng batas sa susunod na taon matapos mapirmahan ng Pangulo ang 3.7 Trillion na pambansang budget sa susunod na taon.


Aniya, nasa 40 Billion ang inilaang pondo dito na hinugot mula sa mga ahensiya na hindi masyadong nagpe-perform.

Kasabay ng pag-apruba ng 2018 budget ay natitiyak ng kongresista ang pag-angat pa sa buhay ng mas maraming Pilipino dahil sa libreng pag-aaral sa kolehiyo.

Facebook Comments