BUGALLON PANGASINAN – Isa na marahil ang pag-aaral ng mga estudyante sa lubos na apektado ng pandemyang nararanasan ng mundo. Dahil dito hindi nirerekomenda ng pamahalaang mag-balik ang pasukan sa mga eskwelahan sa madaling panahon hanggat walang bakuna sa COVID-19.
Kaya naman maraming proposals at diskarte ang nag-sisilabasan upang bigyang solusyon ang hamon sa edukasyon. Tulad na lamang ng proyekto ng Sangguniang Kabataan (SK) sa Brgy. Gueset, Bugallon, Pangasinan na ‘Tulong ko, Dunong ko”. Layon nito ang makapag-hatid ng libreng pag-tuturo sa mga kabataang nasa Grade 1 hanggang 6 sa paglinangin ng kasanayan nila sa pagbasa, pagsulat, pag-compute at pananalita. Nag-laan ng pondo ang mga opisyales ng Brgy. Gueset SK Council sa mga kagamitan ng mga batang sakop ng proyekto.
Para naman sa mga gustong mag-donate sa kawang gawa ito tulad ng lapis, notebook, papel o anumang karagdagang learning materials, maaring makipag-ugnayan o bisitahin ang kanilang facebook page na Arangkada SK Gueset.