Atensyon sa mga magulang sa Lungsod ng Maynila, huwag nyo pong palampasin itong libreng pagbabakuna ng Manila Health Department o MHD sa mga bata na edad lima pababa.
Kahapon sinimulan ng Manila Heath Department itong pagbabakuna na isasagawa hanggang October 27 mula alas otso ng umaga hanggang alas kwatro ng hapon.
Ayon kay MHD Chief Dr. Arnold pangan, libre at ligtas ang kanilang bakuna kaya walang dapat ipag-alala ang mga magulang.
aabot sa 91,173 na mga bata mula sa 896 na mga barangay sa buong lungsod ang target ng MHD na mabakunahan.
Ito ay base sa masterlist na isinumite sa MHD ng bawat barangay.
Bukod sa pagsuyod sa bawat barangay ay maglalagay din ng pwesto sa matataong lugar ang mhd para sa libreng bakuna tulad sa mga istasyon ng LRT, loob ng mga malls, mga paaralan at mga simbahan.