LIBRENG PAGGAMIT NG PICKLEBALL COURTS SA MANGATAREM, ILULUNSAD NA

Ilulunsad sa sports complex ng Mangatarem ang bagong tatlong pickleball courts na libreng magagamit ng mga residente.

Sa kasalukuyan, tinatapos pa ang pagpipintura ng mga courts bago ang nakatakdang pagbubukas nito mamayang hapon.

Katuwang ang Mangatarem Pickleball Club, isinusulong sa paglalaan ng mga court ang wastong ehersisyo at healthy lifestyle sa pagtangkilik sa patok na sports sa bansa sa kasalukuyan.

Pinaniniwalaan na mainam para sa kalusugang pisikal at mental ang naturang laro na nagpapalakas ng puso at kalamnan, nagpapababa ng stress at nagsisilbing low-impact full-body workout.

Samantala, bagaman positibo ang pagtanggap ng mga residente sa naturang court para sa pickleball, suhestyon naman ng ilan ang paglalaan ng espasyo para sa iba pang sports tulad ng badminton at table tennis. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments