LIBRENG PAGPAPASEGURO SA MGA ALAGANG BABOY NG DA-PCIC REGION 2, TULOY-TULOY

Cauayan City, Isabela-Patuloy ang paghimok ng Department of Agriculture- Philippine Crop Insurance Corporation Region 02 sa publiko na ipatala ang mga alagang baboy sa kanilang tanggapan.

Ayon kay Regional Manager Jean Bayani, walang deadline ang pagpapalista dahil ito ay kanilang programa sa buong taon.

Libre aniya ang pagpapatala basta tiyakin lamang na kasama ang pangalan ng mga magsasaka sa Registry System for Basic Sector in Agriculture at naninirahan sa African Swine Fever free zone o deklarado ang kanilang lugar na wala ng kaso ng ASF sa nakaraang tatlong buwan.

Dagdag niya, maximum 20 heads fattener at 10 head breeder ang maaaring ipatalang alagang baboy basta hindi umano hihigit sa P200,000 ang kabuuang halaga nito.

Paliwanag pa niya, insurance ng fattener ay hindi tataas sa 10,000 pesos at 14,500 naman sa breeder.

Inaabisuhan ng PCIC Region 02 ang lahat ng interesado sa libreng paseguro na makipag-ugnayan lamang sa pinakamalapit na PCIC Regional/Extension Office/Service Desk o sa Municipal Agriculture Office o di kaya tumawag sa numero bilang 0953-288-3450/0926-499-9308/0936-703-1636.

Facebook Comments