Cauayan City, Isabela- Sinimulan muli ng grupo ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Alinguigan 2nd sa City of Ilagan ang ‘BOTE-PRINT PROJECT’ na layong ituro ang kahalagahan ng mga naitatapong basura.
Ayon kay SK Chairman Bryan Malenab, nakaraang taon ng simulan pa ang nasabing proyekto upang higit na matulungan ang ilang mag-aaral sa kung paano makakatipid sa mga gastusin gaya ng pag-iimprenta para sa ilang proyekto sa kanilang paaralan.
Katumbas ng higit sa limang bote o higit pa ay tiyak na mapapakinabangan ng mga estudyante ang pag-imprenta sa mga kakailanganin sa kanilang pag-aaral lalo pa’t matindi ang adbokasiya ngayon sa iba’t ibang paraan sa pagkakaroon ng libreng ganitong uri ng proyekto.
Ayon pa kay Malenab, ilan ding pribadong indibidwal ang direktang tumutulong sa kanilang proyekto sa pamamagitan ng pagbibigay ng bote na higit na mapapakinabangan sa pagbili ng suplay gaya ng bond paper at na siyang patuloy na gagamitin sa inilunsad na proyekto.
Maliban dito, tumutulong din ang kanilang grupo s apagkuha ng ilang datos ng mga mag-aaral na may kakaibang talento upang isabak naman sa ilang performance ng Ang LAkas ng Batang Ilagueño (ALAB) Program ng siyudad.
Tinatayang nasa mahigit 50 ang nabenepisyuhan ng proyekto simula noong nakaraang taon at patuloy na paghikayat sa publiko para sa mas aktibong paghahatid ng nasabing tulong sa mga maituturing na kapos na mag-aaral.
Tumanggap din ng iba pang donasyon ang grupo gaya ng Lata, Karton at iba pang kalakal na maaaring maibenta at mapakinabangan.