Inihayag ng lokal na pamahalaan ng Pasig ang pansamantalang pagsuspinde ng libreng sakay nito nang dahil sa pagdiriwang Eid’l Fitr ngayong araw.
Ayon kay Mayor Vico Sotto, muli naman itong aarangkada bukas, May 26, 2020.
Aniya, ito’y bilang pakikiisa ng lungsod sa mga kapatid nating Muslim sa kanilang taunang religious activity.
Ang Eid’l Fitr ay idineklara ng Palasyo ng Malakanyang na isang regular holiday sa pamamagitan ng Proclamation No. 994, Series of 2020.
Habang ang libreng sakay naman ng Pasig City ay ipinatupad simula pa noong nagkaroon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila upang magbigay ng libreng transportasyon sa mga frontliner, health workers at iba pang Authorized Persons Outside Residence (APOR).
Samantala, ang Pasig City ay mayroong ng 524 confirmed cases ng COVID-19, kung saan 68 rito ang nasawi at 200 naman ang gumaling sa sakit na dulot ng virus.