Inilunsad ng Land Transportation Office (LTO) Region 1 ang Libreng Sakay para sa kababaihan bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Women’s Month.
Isinagawa ang programa sa pamamagitan ng San Fernando District Office at San Fernando Licensing Center kung saan nagbigay ng libreng sakay ang ahensya sa mga kababaihan at iba pang pasahero upang matiyak ang ligtas at maginhawa nilang transportasyon.
Ayon sa LTO Region 1, layunin ng inisyatiba na kilalanin ang mahalagang papel ng kababaihan sa lipunan kasabay ng pagbibigay ng serbisyong pampubliko na abot-kamay at maaasahan.
Bahagi rin ito ng mas malawak na programa ng ahensya upang mapalakas ang ugnayan sa publiko at maisulong ang kapakanan ng iba’t ibang sektor, lalo na ng kababaihan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










