LIBRENG SAKAY PROJECT NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG PANGASINAN, UMARANGKADA

Umarangkada na sa pagtanggap ng mga pasahero ang libreng sakay ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan para sa mga magsisibalikan sa Maynila na umuwi nitong Long Weekend.
Ayon sa pamahalaan ng Pangasinan, tatlong bus ang gagamitin sa Libreng Sakay Project kung saan ang isang bus ay may rutang Binmaley, Calasiao, Sta. Barbara, Urdaneta, Carmen.
Habang ang Bus 2 and Bus 3 ay maghihintay sa bayan ng Lingayen kapag napuno na magtutungo ito sa Bugallon, Aguilar at Mangatarem.

Lahat ng bus ay bababa sa Cubao sa Quezon City.
Layunin ng proyektong ito ng pamahalaan ay upang makapaghandog ng libreng sakay sa mga kabaleyan na nagsipag-uwi nitong kakatapos ng mahabang bakasyon.
Nagpapasalamat naman ang mga benipisyaryo dahil laking tulong na ito sa kanila upang pambawas sa kanilang mga gastusin sa pamasahe.
Pumwesto ang mga bus sa harap ng Banaan Provincial Museum sa Brgy. Poblacion bayan ng Lingayen. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments