KUMANDIDATO SA PAGKA KAPITAN NA NATALO, NATAGPUANG PATAY SA MAPANDAN

Natagpuang patay ang isang retiradong miyembro ng Philippine Army at kumandidato din sa pagka kapitan sa bayan ng Mapandan.
Ang biktima ay nakilalang si Eduard Mendoza residente ng Brgy. Sta Maria sa nasabing bayan.
Nakita ang katawan nito na palutang lutang sa ilog sa kanilang lugar kung kayat agad na inireport sa PNP.

Ayon sa kaanak ng biktima, natalo ito sa pagka kapitan noong katatapos lang na BSKE at umalis ng kanilang bahay noong October 31 at bigo ng makabalik.
Lumalabas sa Post Mortem Examination na nalunod ang biktima na dahilan ng kanyang pagkamatay bagamat patuloy pa din ang imbestigasyon kung may foul play sa pagkamatay nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments