“Libreng Sakay” sa mga Frontliner, Aarangkada sa Isabela

Cauayan City, Isabela- Aarangkada muli sa lalawigan ng Isabela ang “Libreng Sakay” ng Department of Transportation katuwang ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) region 2.

Layunin ng programa ang matulungan ang mga healthcare worker, medical frontliner, essential worker at Authorized Persons Outside of Residence (APORs) sa lalawigan upang kahit papaano ay maibsan ang kanilang hirap sa pamasahe sa tuwing pumapasok sa kani-kanilang mga trabaho.

Ayon kay Regional Director Edward Cabase, nagsimula ito noong lunes, Setyembre 13, 2021 dahil hangad ng ahensya na mailibre ang pamasahe ng mga frontliner na humaharap sa banta ng pandemya.


Dagdag pa nito, ang pamasaheng matitipid ng mga frontliner mula sa Libreng Sakay sa ilalim ng Service Contracting Program ay maaari nilang magamit pambili ng pagkain at iba pang importanteng pangangailangan ng kanilang pamilya.

Magugunita na libu-libong frontliners sa bansa ang nakinabang sa libreng sakay ng pamahalaan.

Facebook Comments