Magbibigay ng libreng serbisyong beterinaryo ang City Veterinary Office ng San Carlos City, Pangasinan ngayong Setyembre 28, 2026, bilang bahagi ng paggunita sa World Rabies Day.
Gaganapin ang aktibidad alas-8 ng umaga sa Slaughterhouse, San Pedro, kung saan kabilang sa mga serbisyong ihahandog ang anti-rabies vaccination, castration para sa male dogs at cats, spaying para sa female cats, deworming, at vitamin supplementation para sa maliliit na hayop.
May nakalaang 40 slots para sa castration at 20 slots para sa spaying.
Para naman sa mga magpapakapon ng kanilang alaga, kailangang walong oras na nag-ayuno ang mga hayop bago ang operasyon at dapat itong nasa mabuting kalagayan—hindi buntis, walang pyometra, diarrhea, ubo o sipon.
Kailangan ding nakatali o nakakulob sa cage ang mga alagang hayop, walong buwan pataas, at magdala ng manila paper at blade para sa bawat alaga.
Hanggang tatlong alagang hayop lamang kada owner ang maaaring ipasailalim sa serbisyo, habang kailangang magsuot ng e-collar ang mga asong at pusang kapon na.
First come, first served ang serbisyo at prayoridad ang mga residente ng San Carlos City.
Ayon sa City Veterinary Office, mahalaga ang regular na pagbabakuna, responsableng pag-aalaga, at agarang pagkilos kapag may nakagat o nakalmot upang makatulong sa pag-iwas sa rabies. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










