Hindi lamang pagkilala sa mga talento sa pelikula ang naging tampok sa 6th Hundred Islands Film Festival o HIFF 2026, kundi maging ang papel ng pelikula sa pagpapalakas ng kultura, turismo, edukasyon, at pagkakaisa ng komunidad.
Sa ginanap na Awards Night sa Don Leopoldo Sison Convention Center, binigyang-diin ang pelikula bilang mahalagang daluyan ng pagkukuwento at malikhaing pagpapahayag.
Ayon kay City Tourism Officer Miguel L. Sison, mahalaga ang pelikula sa pagpapakilala sa kultura at kagandahan ng Alaminos, gayundin sa pagsusulong ng turismo sa lungsod.
Nagpasalamat naman si Festival Director Dr. Raquel Rarang sa lahat ng naging bahagi ng HIFF VI at binigyang-diin ang patuloy na pagsusulong ng sining, kultura, at pelikula bilang instrumento ng pagkakaisa.
Nagpaabot din ng suporta at pasasalamat si City Mayor Arth Bryan C. Celeste sa mga filmmaker, participant, partner, at sponsor ng festival. Nakibahagi rin ang alkalde sa pamamagitan ng kanyang exhibition film na ipinalabas sa Awards Night.
Sa pamamagitan ng HIFF VI, muling binigyang-halaga ang pelikula bilang paraan upang maipakita ang kultura at talento, mapalawak ang malikhaing pagpapahayag, at mapagbuklod ang komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣












