Arestado ang isang 33 anyos na lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng Drug Enforcement Team ng Bautista Municipal Police Station sa Bayan ng Bautista, Pangasinan, madaling-araw nitong Setyembre 14, 2026.
Pinangunahan ang operasyon ni PCPT Jerwin L. Cabreros, Officer-In-Charge ng Bautista MPS, sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 1 o PDEA RO1.
Nasamsam sa operasyon ang mga heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman umano ng hinihinalang shabu, buy-bust money, at iba pang ebidensya.
Nakuha rin ang cellphone at motorsiklo na umano’y pagmamay-ari o ginagamit ng suspek.
Dinala ang suspek at mga nakumpiskang ebidensya sa Bautista MPS para sa dokumentasyon at kaukulang legal na proseso.
Ayon sa Bautista MPS, patuloy nilang paiigtingin ang kampanya laban sa ilegal na droga at hinikayat ang publiko na makipagtulungan at magbigay ng impormasyon upang mapanatili ang ligtas, mapayapa, at drug-free na komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










