Tuesday, March 10, 2026

Libreng tawag para sa OFWs sa Middle East, iniutos ni PBBM

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga telecommunications companies na magbigay ng libreng komunikasyon para sa mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa Middle East.

Ayon sa Pangulo, sakop ng “Libreng Tawag Program” na magbibigay ng tulong sa mga Pilipinong nasa mga bansang apektado ng tensyon sa rehiyon tulad ng Iran, Iraq, Bahrain, Kuwait, Oman, Qatar, United Arab Emirates, at Saudi Arabia.

Mgtatayo rin aniya ang mga public telecommunications entities ng libreng call stations sa piling business centers at malalaking mall sa bansa.

Layunin ng programa na matulungan ang mga pamilya ng OFWs na makapag-usap at makumpirma ang kalagayan ng kanilang mga mahal sa buhay nang walang dagdag na gastos, lalo na sa gitna ng tumitinding tensyon sa Middle East

Facebook Comments