*Cauayan City, Isabela- *Sabay-sabay na sinira ng mga awtoridad ang mga nakumpiskang ipinagbabawal na paputok noong bisperas ng Bagong Taon sa PRO2 Grandstand.
Pinangunahan ni Regional Director PBGen. Angelito Casimiro ng PRO2, ang nasabing seremonya ng pagsira ng mga iligal na paputok at ilang pang mga kinatawan ng Police Regional Office No. 2 at maging ang Bureau of Fire Protection Tuguegarao City
Ilan sa mga iligal na paputok na sinira ay Piccolo One Star, Happy Balls, Luces, Higad, Pill Box, Judas Belt, Missile Hot, Paper Cups, Five Star, PopPop na tinatayang nagkakahalaga ng P15,000.00 matapos kumpiskahin sa magkakahiwalay na operasyon ng mga awtoridad.
Sa naging mensahe naman ni PBGen. Casimiro, ang pagsira sa mga ipinagbabawal na paputok ay ilan lamang sa mahigpit na implementasyon ng RA 7183.
Binigyang diin din nito na noong siya pa ay City Director sa Zamboanga City ayipinasa ang isang resolusyon sa pagbabawal ng paggamit at pagbebenta ng mga paputok at kanilang napagtagumpayan ang zero-casualty noong holiday season.
Hinikayat naman nito ang lahat na kung gusting makamit ang zero-casualty sa rehiyon dos ay kinakailangan na hikayatin ang mga LGUs sa pagbaban sa paggamit at pagbebenta ng mga paputok.
* tags: 98.5 iFM Cauayan, 98.5 RMN, * Regional Director PBGen. Angelito Casimiro , iccolo One Star, Happy Balls, Luces, Higad, Pill Box, Judas Belt, Missile Hot, Paper Cups, Five Star, PopPop, Cauayan City, Luzon